Matthew 8:14-17

Maraming Pinagaling si Jesus

(Mar. 1:29-34; Luc. 4:38-41)

14Pumunta si Jesus sa bahay ni Pedro. Pagdating niya roon, nakita niya ang biyenang babae ni Pedro na nakahiga at nilalagnat. 15Hinawakan ni Jesus ang kamay ng babae at nawala ang lagnat nito. Bumangon siya at pinagsilbihan si Jesus.

16Nang magtakip-silim na, maraming sinasaniban ng masasamang espiritu ang dinala ng mga tao kay Jesus. Sa isang salita lang, pinalayas niya ang masasamang espiritu at pinagaling ang mga may sakit. 17Ginawa niya ang mga ito upang matupad ang sinabi ni Propeta Isaias,

“Kinuha niya ang ating mga sakit
at inalis ang ating mga karamdaman.”
Isa. 55:4.

Copyright information for TglASD